Pages

Sabado, Nobyembre 19, 2011

Quiz 1 - Describe my community?





COMMUNITY

Ang aming community ay isang simpleng komunidad, na hindi maaalis sa Kaugaliang Pilipino ang pakikipag-salimuha, pakikipagkapwa tao katulad ng pagbabahagi ng mga lutong pagkain kapag may kaarawan o kaya araw ng fiesta, ngunit ito ay nahahati sa dalawang purok na tinawag ng Purok 6 Upper at Purok 6 Lower na may mga eskenita. Ito ay boundary ng Barangay Nicolas Virata GMA Cavite at Barangay Magsaysay, San Pedro, Laguna, kung kaya’t ang mga taong naninirahan dito ay galing sa ibat ibang lugar katulad ng manila at probinsiya. Karamihan sa mga tao dito ay nagwowork sa ibang bansa at mga factory katulad ng Techno Park, nakikipagsalimuha rin sila sa mga palaro, competition at ibat ibang mga activities katulad ng fiesta at paligsahan sa ibang lugar.

Binubuo ang aming community ng dalawang Daycare Center, ang isa ay sa Purok 6 Upper samantalang ang isang Daycare Center ay malapit sa kadiwa na may Basketball Court. Marami sa aking mga kapitbahay ang sumasali sa paligsahan katulad ng sayaw, kanta at laro tuwing may fiesta at higit sa lahat sa ibang lugar. 

Location: San Pedro, Laguna                   School: AMA College - BiƱan
Subject: Euthenics 2 CD                            Course: B.S. Information Technology

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento